7 February 2025
Calbayog City
Entertainment

Sam Concepcion, ginulat ang netizens sa malaking pagbabago ng kanyang katawan

UMANI ng atensyon ng netizens ang Singer-Actor na si Sam Concepcion  nang i-flex ang kanyang well-toned physique.

Sa instagram, napa-react  ang mga kaibigan at fans ni Sam sa ibinahagi nitong mga  litrato kung saan makikita ang kanyang malapad na balikat at braso.

Base sa uploaded photos, si Sam ay bahagi ng cast ng Musical Theater Show ng 9 works theatrical na “Once On This Island” kung saan ginagampanan niya ang karakter  ni Daniel.

Kabilang sa mga nakapansin sa malaking pagbabago ng pangangatawan ng singer-actor ay sina Rocco Nacino at Eric Tai.

Sa kasalukuyan ay bahagi rin si Sam ng re-run ng theater play na “One More Chance  The Musical” ng Philippine Educational Theater Association (PETA) kung saan ginagampanan niya ang karakter ni Popoy.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).