Nasa isanlibong Pilipino na nakabase sa Lebanon ang nagpahayag ng kahandaan na umuwi sa Pilipinas sa gitna ng tumataas na tensyon sa Middle Eastern country.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, mula sa isanlibong pinoy, 356 individuals ang repatriated na.
Tinaya sa labing isanlibong Pilipino ang nasa iba’t ibang panig ng Lebanon, at ilan sa mga ito ay undocumented.
Sinabi ni de Vega na sa ngayon ay hindi pa masyadong interesado ang ibang pinoy na lumikas kaya patuloy ang apela ng ating embahada.
Gayunman, sisikapin pa rin aniya nilang kumbinsihin ang nasa pitundaan pang mga Pilipino para umuwi sa bansa.
Noong biyernes ng gabi ay nag-isyu ng advisory ang Philippine Embassy sa Lebanon sa mga pinoy na agad lisanin ang bansa habang bukas pa ang paliparan sa gitna ng tensyon sa pagitan ng grupong Hezbollah at Israel.