SAMPUNG bagong Christi Regian lawyers ang matagumpay na pumasa sa September 2025 Bar Examinations.
Sa Facebook post, inihayag ng Christ the King College of Calbayog City, na ang remarkable achievement ng mga bagong abogado ay patunay ng kanilang pagtitiyaga, disiplina, at tuloy-tuloy na commitment para sa hinahangad na hustisya at kahusayan.
Nagbigay ang mga ito ng karangalan at pagmamalaki hindi lamang sa kanilang sarili at sa kanilang pamilya, kundi sa buong CKC community.
Ang sampung bagong abogado na nagmula sa CKC sa Calbayog City ay sina Ma. Fatima Shaira Adona, Ernel Cheng, Virgilio Clemens, Donna Debuton, Joveflor Dumaliang, Romella Lalaine Guarde-Justiniano, Cynthia Lingcopines, Shiela Teresa Lira, Michael Noel Obrino, at Miko Allan Tarrayo.




