ISANG sundalo ang patay habang tatlong iba pa ang nasugatan sa engkwentro, sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Gamay, Northern Samar.
Nagsasagawa ng military operations sa lugar ang mga sundalo mula sa 52nd Infantry Battalion na naka-base sa Jipapad, Eastern Samar, nang makasagupa ang siyam na rebelde sa Barangay Malidong.
ALSO READ:
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Tumagal ng sampung minuto ang bakbakan na nagresulta sa pagkakapaslang sa bente otso anyos na si Corporal Benjie Tamor.
Tatlo sa mga kabaro ni Tamor, na hindi tinukoy ang pagkakakilanlan, ang nasugatan din sa naturang sagupaan.
