ISA ang patay habang dalawa ang nasugatan nang tupukin ang residential area sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.
Narekober ang katawan ng isang lalaki mula sa isa sa mga nasunog na bahay, sa Acacia Street.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nasa tatlumpung kabahayan at establisimyento ang napinsala ng sunog.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago ito naapula ng mga bumbero makalipas ang mahigit dalawang oras.
Inaalam pa ng arson investigators ang sanhi ng sunog, pati na ang halaga ng mga natupok na ari-arian.