NAGLAAN ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mahigit 2 billion pesos na pondo at relief goods para tulungan ang mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkan Kanlaon sa Negros Island.
Ayon kay DSWD Spokesperson, Assistant Secretary for Disaster Response Management Group Irene Dumlao, saklaw ng naturang alokasyon ang 92.2 million pesos na standby funds sa Central at Regional Offices, mahigit 1.1 billion pesos na family food packs, at mahigit 891 million pesos na non-food at additional food items.
Goitia: Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas
DILG chief, inatasan ang mga pulis na magsuot ng body camera sa paghahanap kay Atong Ang
Zaldy Co, nagtatago sa gated community sa Portugal, ayon sa DILG
Subpoena laban kina Sen. Jinggoy Estrada at Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, nakaumang na, ayon sa DOJ
Hanggang noong sabado ay nakapag-pamahagi na ang DSWD ng mahigit 14.7 million pesos na halaga ng humanitarian assistance sa mga apektadong residente. Mahigit sampunlibong pamilya o apatnapunlibong indibidwal mula sa dalawampu’t limang Barangay sa Regions 6 at 7 ang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.
