18 March 2025
Calbayog City
Province

8 kabahayan sa Lopez, Quezon, nawasak matapos magkabitak-bitak ang lupa

WALONG kabahayan ang nawasak nang  biglang umangat at nagkabitak-bitak ang lupa sa Barangay Matinik, sa bayan ng Lopez, Quezon.

Ayon sa mga residente, wala namang lindol subalit nagputukan ang mga konkretong pader at haligi ng bahay.

Ilang kabahayan ang tuluyang nasira habang ang iba naman ay tumagilid.

Nawala rin sa alignment ang riles ng tren habang may mga bahagi ng kalsada na umangat.

Sa takot ng mga residente ay agad silang lumikas, at sa  ngayon ay mayroong tatlumpu’t limang pamilya na pansamantalang  nanunuluyan sa Barangay Hall. 

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).