9 February 2025
Calbayog City
Overseas

Acting President ng South Korea, pinakalma ang financial markets kasunod ng impeachment kay kay Yoon Suk Yeol

SOUTHKOREA-POLITICS/

NAGBIGAY ng katiyakan si South Korean Acting President Han Duck-Soo, sa mga kaalyadong bansa, at kinalma ang financial markets, isang araw matapos ma-impeach si President Yoon Suk Yeol at suspindihin mula sa kanyang mga tungkulin bunsod ng Martial Law Attempt.

Ayon sa White House at opisina ni Han, nakausap sa telepono ng South Korean Acting President si US President Joe Biden.

Sa statement, sinabi ni Han na ipagpapatuloy ng South Korea ang kanilang foreign and security policies nang walang pag-gambala.

Tiniyak din nito na mananatili ang matatag na alyansa sa pagitan ng Seoul at Washington.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).