ISA ang patay habang dalawa ang malubhang nasugatan nang sumalpok ang isang tricycle sa isang wing van sa highway, sa Polangui, Albay.
Sa dashcam video, binabagtas ng tricycle ang outer lane ng highway nang kumabig ito pa-kanan at tumama sa kotse na agad namang umiwas.
Gayunman, ang minor contact ay nagresulta para mawalan ng kontrol sa manibela ang tricycle driver hanggang sa sumalpok ito sa kasalubong na wing van.
Dead on Arrival sa ospital ang isang pasahero ng tricycle habang ang isa pa, pati na ang driver ay malubhang nasugatan.




