ISA ang kumpirmadong patay habang sampung iba pa ang nasugatan sa salpukan ng fuel tanker at pampasaherong jeep, sa Cuenca, Batangas.
Ayon kay Police Major Eduardo Timbol, Hepe ng Cuenca Police, Dead on Arrival sa ospital ang driver ng jeep habang ilan sa mga nasugatan ay nasa kritikal na kalagayan sa iba’t ibang ospital.
Batay sa imbestigasyon, mabilis ang takbo ng tanker at nag-swerve, bago nito nabangga ang kasalubong na jeep, na tumaob dahil sa lakas ng impact.
Tumakas ang driver ng fuel tanker matapos ang insidente habang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang pahinante.