PASOK sa target ng Pamahalaan ang Inflation Rate ng bansa noong nakaraang taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sinabi ni National Statistician at PSA Chief Claire Dennis Mapa, na ang Overall Inflation na sumusukat sa bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo ay naitala sa 1.8% noong December 2025.
ALSO READ:
Mas mabilis ito kumpara sa 1.5% rate na nai-record noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Naitala naman ang 12-Month 2025 National Average na 1.7% na pasok sa comfortable ceiling ng administrasyon na 2 hanggang 4 percent.
Ito ang pinakamabagal na Annual Average Inflation Rate simula noong 2016 kung kailan naitala ang 1.3% na Overall Year-To-Date Inflation Rate.




