NAKAKOLEKTA ang pamahalaan ng 1.4 trillion pesos na revenue simula Enero hanggang Abril ngayong taon.
Sa datos mula sa Finance Department, katumbas ito ng halos one third ng kanilang full-year target ngayong 2024.
Nakapagtala rin ang Department of Finance ng nontax revenues na nagkakahalaga ng 206.4 billion pesos mula January hanggang April.
Kumpiyansa si Finance Secretary Ralph Recto na tataas pa ang tax at nontax revenues sa mga susunod na buwan bunsod ng pinaigting na revenue mobilization efforts ng pamahalaan.