TARGET ng Board Of Investments (BOI) na makalikom ng 1.3 hanggang 1.5 Trillion Pesos na halaga ng investment approvals ngayong 2024.
Ayon kay BOI Managing Head Ceferino Rodolfo, ito’y matapos makapagtala ang Investment Promotion Agency ng 1.26 Trillion Pesos na investment approvals noong 2023.
Kabilang aniya sa primary sources ng investments ngayong taon ay renewable energy, reequipment manufacturing, at mineral processing.
Gayunman, sinabi ni Trade And Industry Secretary Alfredo Pascual na siyang Chairman ng BOI, na 1.1 trillion pesos ang kanilang official commitment para sa approvals of investments ngayong 2024.