AABOT sa 1.2 billion pesos na pondo ang nasayang dahil sa hindi natuloy na pagdaraos ng BANGSAMORO Parliamentary Elections ngayong buwan ng Oktobre.
Ayon sa Commission on Elections, sa nasabing halaga, 500 million pesos ang inilaan ng Poll Body para sa pag-imprenta ng 2.3 Million Official Ballots na gagamitin sana para sa unang Parliamentary Polls.
Sinabi ni COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, may mga ginastos na din para sa Deployment o pag-deliver ng Election Paraphernalia.
Samantala, sinabi ni Garcia na maghahain sila ng Motion for Reconsideration at agad silang tatalima sa direktiba ng Korte Suprema.
Sa naging pasya ng Supreme Court, inatasan nito ang COMELEC na maghanda pa rin sa pagdaraos ng BANGSAMORO Parliamentary Elections ng hindi lalagpas sa March 31, 2026.