Nanumpa si dating Finance Secretary Benjamin Diokno bilang miyembro ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ibinahagi ni Diokno ang litrato ng kanyang oath-taking sa harap ni BSP Governor at Monetary Board Chairman Eli Remolona Jr.
Noong biyernes ay inanunsyo ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magbabalik si Diokno sa kanyang purely financial duties sa Monetary Board kasunod ng pagkakatalaga kay Ralph Recto bilang Finance Secretary.
Bago mapabilang sa Marcos administration bilang Finance Chief, si Diokno ay nagsilbing BSP Governor ng nakalipas na Duterte administration.