ISANDAAN dalawampu’t siyam na inmates ang nasawi habang limampu’t siyam na iba pa ang nasugatan sa tangkang pagtakas sa makala prison sa Kinshasa, sa Democratic Republic of Congo.
Ayon sa Security Minister, dalawampu’t apat ang nasawi matapos tamaan ng mga bala habang ang iba ay nadaganan sa kasagsagan ng kaguluhan.
ALSO READ:
US President Trump at British Prime Minister Starmer, tinalakay ang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz
Mahigit 50 cultural sites sa Iran, nasira sa mga pag-atake ng US at Israel
Barko lang ng Amerika ang bawal dumaan sa Strait of Hormuz
Iran, walang palulusutin kahit 1 litrong langis sa Strait of Hormuz
Sumiklab din ang sunog na sumira sa administrative buildings, registry, hospital at food depot ng kulungan.
Hindi naman tinukoy sa report kung ilang preso ang nakatakas sa pinakamalaking kulungan sa bansa.
