LUBOG pa rin sa baha ang ilang bahagi ng Bulacan, kahit ilang araw ng nakalabas ng bansa ang bagyong Enteng subalit nagpapatuloy ang mga pag-ulan na dala ng pinaigting na habagat.
Nananatili pa rin ang tubig-baha sa Marilao, Meycauayan, Balagtas, at Guiguinto.
ALSO READ:
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Dahil sa nagpapatuloy na maulang panahon, nagsisilbing banta sa mga kalapit na barangay ang ilog ng Marilao dahil mabilis itong umapaw.
Ang malala pa nito, iniinda ng mga residente ang apat na araw nang paglutang ng mga basura mula sa nabanggit na ilog. Samantala, atubili pa ring bumiyahe ang ilang tsuper sa Macarthur Highway dahil above gutter pa rin ang tubig-baha sa naturang kalsada.
