ISINAGAWA ng Department of Energy and ikalawang Survey sa Palawan na layong tuklasin ang potensyal na gumamit ng White Hydrogen upang pagkuhanan ng enerhiya.
Sa idinaos na Survey, ang Technical Team mula sa Energy Resource Development Bureau at Energy Research and Testing Laboratory Services ng DOE ay kumulekta ng sample ng tubig, gas, at bato mula sa iba’t ibang hot spring at outcrop sa mga bayan ng Sofronio Española at Narra, at sa Puerto Princesa City.
Ang mga kinulektang sample ay sasailalim sa pagsusuri ng DOE at gagamiting gabay sa mas malawak na pagsasaliksik sa paggamit ng likas na yaman para sa enerhiya.
Isa ito sa mga isinasagawang inisyatiba ng kagawaran para palawakin pa ang mga pinagkukunan ng kuryente at enerhiya.
Nauna nang nagsagawa ng kaparehong survey ang DOE sa Zambales at Pangasinan noong buwan ng Hunyo at Hulyo kung saan kabilang sa survey sites ang Mangatarem Hot Spring at ang Botolan Hot Spring.