Tumaas ang Trade Deficit ng Pilipinas noong Mayo, ayon sa Philippine Statistics Authority.
SA tala ng PSA, umabot sa 17.26 billion dollars ang total external trade in goods ng bansa noong ikalimang buwan, mas mababa ng 1.2 percent mula sa 17.46 billion dollars noong Mayo 2023.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Lumobo naman ng 4.5 percent ang trade gap matapos maitala sa 6.33 billion dollars ang exports habang 10.93 billion dollars ang imports.
Sinabi ng State Statistics Bureau na sa total external trade noong Mayo, 63.3 percent ay imported goods habang ang natitira ay exported goods.
Nananatili naman ang electronics bilang top export ng bansa na ang kinita ay umabot sa 3.56 billion dollars o 56.2 percent ng total export ng bansa sa naturang panahon.