BINIGYAN ang Filipina tennis star na si Alex Eala ng Wildcard slot sa makasaysayang 2026 Philippine Women’s Cup, na magsisimula sa Jan. 26 sa Rizal Memorial Tennis Center.
Kinumpirma ito ng Philippine Sports Commission (PSC), kasunod ng pahayag ng Philippine Tennis Association.
ALSO READ:
Gayunman, depende pa sa schedule ng bente anyos na Pinay ang pagsali niya sa tournament.
Si Eala na kasalukuyang World No. 53, ay nakatakdang sumabak sa Main Draw ng Australian Open na magsisimula sa Jan. 18 hanggang Feb. 1 sa Melbourne, Australia.




