HUMIHIRIT ang National Food Authority (NFA) ng karagdagang budget na 9 billion pesos ngayong taon.
Ito ay upang masaklaw ang additional cost sa pagtataas ng kanilang buffer stock, alinsunod sa inamyendahang Rice Tariffication Law (RTL).
Sa ilalim ng Republic Act No. 12078 o Amended RTL na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Noong Disyembre, obligado ang NFA na mag-maintain ng buffer stock na pang-15 days na national rice consumption mula sa dating pang-siyam na araw.
Ipinaliwanag ni NFA Administrator Larry Lacson na naglaan sila ng inisyal na 9 billion pesos para sa buffer stocking ngayong 2025, batay sa nine-day requirement.
Gayunman, ang karagdagan aniyang anim na araw ay mangangailangan ng ekstrang siyam na bilyong piso para sa pagbili ng palay.