KINUMPIRMA ng Malakanyang na hindi dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Week sa Peru na itinakda ngayong Nobyembre.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Cesar Chavez na ang hindi pagdalo ng pangulo sa APEC ay upang bigyang prayoridad ang domestic concerns, kabilang ang pagtugon ng pamahalaan sa mga kalamidad.
ALSO READ:
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Sa halip, aniya, ay si Trade and Industry Secretary Ma. Cristina Aldeguer-Roque ang dadalo sa international event bilang kinatawan ni Pangulong Marcos.
Una nang itinalaga ng punong ehekutibo si Aldeguer-Roque bilang Special Envoy of the President to the APEC Leaders’ Week.
