MAKALIPAS ang labindalawang taong pagiging magkasintahan, husband and wife na sina EA Guzman at Shaira Diaz.
Ikinasal sa simbahan ang longtime couple, kahapon na dinaluhan ng kanilang mga mahal sa buhay at mga kaibigan.
ALSO READ:
Sina Shaira at EA ay na-engage noon pang 2021 subalit isinapubliko lamang nila ito noong 2024.
Una nang ibinahagi ng aktres na nais niyang maikasal kay EA pagkatapos niyang grumadweyt ng college, na kanyang naisakatuparan noong Agosto ng nakaraang taon.
Nangako rin ang dalawa na mananatiling celibate hanggang sila ay maikasal, kung saan inamin ng aktor na nahirapan siyang panindigan noong una.