NA-ospital ang NBA Legend na si Kareem Abdul-Jabbar makaraang mabalian ng balakang matapos bumagsak sa isang concert sa Los Angeles, California.
Ayon sa kanyang business partner na si Deborah Morales, inaasahang o-operahan ang pitumpu’t anim na taong gulang na Hall of Famer sa UCLA Hospital matapos ang tinamo nitong injury.
Si Jabbar na naglaro sa NBA simula 1969 hanggang 1989 ang nag-iisang Six-Time MVP sa kasaysayan ng NBA, at 19-Time All Star.
Hawak niya ang career regular-season scoring record sa NBA na 38,387 points hanggang sa basagin ni Lebron James ng Lakers noong Pebrero.