22 November 2024
Calbayog City
Metro

Iba’t ibang Artifacts at mga gamit sa nagdaang mga digmaan, tampok sa bubuksang Museo sa Intramuros, Maynila

Isang bagong museo ang nakatakdang buksan sa Intramuros, Maynila kung saan matutunghayan ang iba’t ibang artifacts at mga gamit na nahukay sa mga nagdaang digmaan.

Bukas, Araw ng Kalayaan ay nakatakdang buksan sa publiko ang Centro De Turismo.

Bubuksan ang museo araw-araw 9AM hanggang 6PM at matatagpuan sa Calle Arzobispado sa loob ng simbahan ng San Ignacio.

Tampok sa museo ang kasaysayan ng Intramuros mula pa noong precolonial era hanggang Spanish colonial era.

Karamihan sa makikita sa museo ay ang mga gamit na nahukay sa San Ignacio Church na isa sa mga simbahan sa Intramuros na nagtamo ng matinding pagkasira sa digmaan noong 1945. (DDC

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *