PATULOY sa paghina ang halaga ng piso at muli itong naitala sa panibagong all-time low.
Ngayong araw ng Lunes, March 23, nagsara ang palitan ng piso kontra dolyar sa P60.30.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na pumalo sa lagpas P60 ang halaga ng piso kontra dolyar.
Nahigitan pa nito ang nakaraang record low na P60.1 na naitala noong Huwebes, March 19.




