PINASOK ng tubig-baha ang Cultural Center ng Mindanao State University sa Marawi City.
Nagsagawa ng clearing operations ang mga tauhan ng Marawi City Disaster Risk Reduction and Management Office sa MSU Main Campus matapos bahain ang Meranaw Cultural Heritage Center.
ALSO READ:
Ito ay dahil sa naranasang malakas na ulan gabi ng Linggo dahil sa Shear Line.
Ayon sa MDRRMO, agad din namang naalis ang tubig-baha sa Cultural Center.
Dahil sa pag-ulan na nagdulot ng baha, sinuspinde ang klase sa MSU kahapon, February 23.




