MAGBABALIK ang defending champions sa UAAP Men’s Basketball Finals.
Inisahan ng University of the Philippines Fighting Maroons ang University of Santo Tomas Growling Tigers sa score na 82-81, sa kanilang Season 88 Final Four Matchup sa Smart Araneta Coliseum.
Ito na ang ikalimang sunod na Finals Appearance ng Maroons sa UAAP.
Pinangunahan ni Harold Alarcon ang UP sa pamamagitan ng kanyang 22 points, 3 rebounds at isang assist, habang nag-ambag si Francis Nnoruka ng 19 markers at siyam na boards, kasama ang tatlong blocks.




