HINDI maglalaro ang team USA forward na si Kawhi Leonard (Kah-Wai Le-Nard) sa Paris olympics.
Sa anunsyo ng USA basketball, ang Boston Celtics guard na si Derrick White ang maglalaro para sa team USA kapalit ng Los Angeles clippers star, na umatras para gugulin ang summer sa paghahanda sa 2025-2025 season.
Ito sana ang debut o unang sabak ni Leonard (Le-Nard) sa olympics na labindalawang beses na hindi nakapaglaro mula sa final 14 games ng clippers sa huling season bunsod ng pamamaga sa kanang tuhod.
Ang opening game ng Americans ay sa july 28 laban sa Serbia.