NAGPASALAMAT at humingi ng tawad sa isa’t isa ang dating magkasintahan na sina Julia Barretto at Joshua Garcia, ilang taon matapos silang maghiwalay.
Sa media conference ng kanilang upcoming reunion movie na “UN/HAPPY FOR YOU,” pinasalamatan ni Joshua si Julia sa pagiging open sa kanilang journey sa pelikula, at hindi siya nito pinabayaan kapag may mga araw na malungkot siya.
ALSO READ:
Zaijian Jaranilla, tikom ang bibig sa estado ng relasyon kay Gela Atayde
Alexa Miro, pahinga muna ang puso matapos ang breakup kay Sandro Marcos
Willie Revillame muntik maloko ng scammer na ginamit ang boses ni Former President Gloria Arroyo
‘Sisa,’ naiuwi ang Best Screenplay sa Fantasporto sa Portugal
Sa bahagi naman ng aktres, nag-thank you rin ito sa dating boyfriend dahil inalalayan siya nito sa mga eksenang kabado siya, at sa pagiging maalaga nito sa kanilang lahat sa set.
Ang “UN/HAPPY FOR YOU” na reunion movie nina Julia at Joshua at idinirek ni Petersen Vargas, ay mapapanood sa mga sinehan sa Agosto.
