POSIBLENG nasa Lisbon, Portugal si Dating Congressman Zaldy Co.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla nagtatago umano sa loob ng isang gated community ang dating kongresista.
ALSO READ:
GOTIA: Ang West Philippine Sea ay Karapatan ng Pilipinas na Pinagtitibay ng BatasMga Maling Interpretasyon na Kinakailangang Linawin
17 puganteng Taiwanese, ipina-deport ng BI
Coast guard, ginunita ang ika-200 araw ng paghahanap sa “missing sabungeros”
15 survivors at 2 nasawi sa tumaob na MV Devon Bay, nai-turn over na sa PCG
Ayon sa kalihim, ang pinagtataguang lugar ni Co ay hindi basta-basta napapasok at batay sa kaniyang impormasyon, ito ay para lamang sa mga bilyonaryo.
Aminado si Remulla na balakid sa pagpapauwi kay Co ang kawalan ng extradition treaty ng Pilipinas at Portugal gayundin ang ulat na pagtataglay nito ng Portuguese passport.
Una nang iginiit ng ilang mambabatas na dapat pursigihin ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs na mapauwi ng bansa si Zaldy Co sa pamamagitan ng extradition.
