Nakapag-release na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 88.47 million pesos na halaga ng assistance sa mga pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha at landslides sa Eastern Visayas.
Ayon sa DSWD regional office, saklaw ng naturang halaga ang 129,719 family food packs na ipinagkaloob sa mga pamilya na naapektuhan ng kalamidad.
Sinabi naman ni DSWD Regional Information Officer Jonalyndie Chua na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga apektadong bayan at sa iba pang government agencies para sa isasagawang pamamahagi ng relief goods.
Kabilang sa mga nahatiran ng tulong ng DSWD ang iba’t ibang lugar sa Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, at Southern Leyte.