NAG-courtesy call kay Department of Education Secretary Sonny Angara si Japanese Ambassador to the Philippines, Endo Kazuya.
Sa pag-uusap ng dalawang opisyal, inalam ni Ambassador Endo ang mga hamon na kinakaharap ng bansa sa usapin ng edukasyon.
ALSO READ:
LTFRB, inabisuhan na ang mga tsuper na ipa-validate o papalitan ang kanilang Fuel Subsidy Cards
Paggawad ng special power kay PBBM para maibaba ang excise tax sa langis, aprub sa 1 senador
DOE, pinababantayan ang posibleng pananamantala sa presyo ng langis
Unregistered lending platforms nagkalat online, ayon sa CICC
Siniguro rin ng Japanese Ambassador na mas palalakasin pa ang Japan-Philippines cooperation sa pagtugon sa problema ng education sector.
Pinag-usapan din nina Endo at Angara ang kahalagahan ng Japanese language education sa ilalim ng Philippine secondary education.
Habang siniguro ni Endo ang suporta ng Japanese Government sa pagsasanay ng mga Filipino teachers.
