MULING pinagtibay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang commitment ng kanyang administrasyon na gawing moderno ang mga pantalan sa bansa para sumigla ang ekonomiya at turismo sa mga rehiyon.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag nang pangunahan nito ang inagurasyon sa pinalawak na Balingoan Port sa Misamis Oriental.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Sa kanyang talumpati, binigyang diin ni Marcos ang kahalagahan ng pag-upgrade sa Balingoan Port para sa regional development.
Aniya, inaasahan ang paglakas ng turismo, pagbuhos ng negosyo, paglago ng ekonomiya, at higit sa lahat ay mas gaganda ang kabuhayan ng mga taga-Misamis Oriental.
Ilan sa iba pang malalaking proyekto ay ang Currimao Port Expansion sa Ilocos Norte, New Cebu International Container Port, Ormoc Port Expansion sa Leyte, at Plaridel Port Improvement sa Misamis Occidental.