HINAMON ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co na isauli ang bilyon-bilyong pisong nakaw na pera ng bayan kung totoong nais na nitong makipagtulungan sa gobyerno.
Ayon kay Remulla, naiparating na niya ang hamon na ito sa kampo ni Co.
ALSO READ:
Giit ng Ombudsman, maipapakita ni Co na talagang nais niyang makipagtulungan sa imbestigasyon sa pamamagitan ng “restitution”.
Ani Remulla, tatlo na ang kaniyang nakausap na nagsasabing gusto nang makipag-ugnayan ng dating mambabatas sa pamahalaan.
Pero mapatutunayan lamang aniya ni Co ang kaniyang pagiging sinsero kapag isinauli niya ang mga nakaw na kaban ng bayan.




