NAKAPAGTALA ang mga miyembro ng Home Development Mutual Fund (HDMF), na mas kilala sa Pag-IBIG, ng 160.41 billion pesos na savings noong 2025.
Ito ay dahil sa patuloy na nahihigitan ng voluntary contributions ang mandatory payments at sa lumalaking kumpiyansa sa savings program ng ahensya.
ALSO READ:
Total External Trade in Goods ng Pilipinas, tumaas ng mahigit 10%
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
BIR, nalagpasan ang target collection sa unang 2 buwan ng taon
Ang latest figure ay mas mataas ng 21 percent kumpara noong 2024, at pinakamataas sa savings collections ng Pag-IBIG sa kanilang mga miyembro.
Batay sa datos mula sa ahensya, umabot sa 93.60 billion pesos ang voluntary savings habang 66.80 billion pesos ang mandatory contributions noong nakaraang taon.
