14 March 2025
Calbayog City
Overseas

Italy, kumalas sa Belt and Road Project ng China

NAG-withdraw ang Italy sa malawak na Belt and Road Infrastructure Initiative ng China, mahigit apat na taon matapos lumagda bilang nag-iisang bansa mula sa G7, ayon sa isang government source.

Ang matagal nang inaasahang desisyon ay tahimik na ipinarating sa Beijing, tatlong araw na ang nakalipas nang walang anumang official announcement.

Walang ibinigay na detalye, subalit isinagawa umano ng Italy ang pagkalas sa programa nang nananatiling bukas ang channels para sa political dialogue.

Sinabi naman ni Foreign Minister Antonio Tajani na magre-relaunch ang Italy ng “Strategic Partnership”sa Beijing.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *