PINALAKAS pa ng Chery Tiggo ang kanilang koponan sa pamamagitan nang pagkuha kina Ara Galang at Aby Maraño para sa nalalapit na pagbubukas ng 2024 Season ng Premier Volleyball League (PVL) sa Pebrero.
Ang pagkuha ng crossovers kina Galang at Maraño ay para mapagbuti pa ang performance ng team makaraang mag-fourth place sa nakalipas na conference sa pangunguna ng magkapatid na Eya at EJ Laure, Mylene Paat, Jen Nierva, at Pauline Gaston.
Sina Galang at Maraño ang pinakabagong Cargo Movers na nakahanap ng bagong tahanan kasunod nina Ivy Lacsina at Dawn Macandili-Catindig na lumipat sa NXLED at CIGNAL, matapos mabuwag ang F2 Logistics.