14 March 2025
Calbayog City
Local

Grupo ng mga mamamahayag, nanawagan ng suporta para sa kanilang mga kasamahan na lubhang naapektuhan ng matinding pagbaha sa Northern Samar

Nanawagan ang Samar Island Press Club, Inc. (SIPC) ng suporta para sa media workers na naapektuhan ng matinding pagbaha sa Northern Samar.

Ayon sa grupo, ang naranasang malawakang pagbaha ay hindi lamang nagdulot ng pinsala sa mga kabahayan at kabuhayan, dahil naapektuhan din nito ang operasyon ng media organizations, partikular sa Catarman.

Bunsod nito ay mag-o-organisa ang SIPC ng relief drive, at upang maisakatuparan ito ay umapela ang grupo ng suporta at pakikiisa para sa kapwa media professionals na kasalukuyang nangangailangan ng agarang tulong.

Para sa iba pang impormasyon na may kaugnayan sa gagawing relief drive, bisitahin lamang ang facebook page ng Samar Island Press Club, Inc.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *