HINDI nagdulot ng power interruption sa Mindanao Grid ang naranasang malakas na lindol sa Davao Oriental.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines, nanatiling intact ang Mindanao Grid matapos ang pagyanig at wala ding naitalang napinsala na transmission facilities.
ALSO READ:
Pagtitiyak ng NGCP nananatiling stable ang power transmission services nito.
Tumama ang Magnitude 6.7 na lindol sa Southeast ng Manay, Davao Oriental.
Kalaunan naman ay ibinaba ng PHIVOLCS sa 6.4 ang magnitude ng pagyanig.




