Inaasahang mailulunsad na ngayon ang operasyon sa Pilipinas ng mobile wallet na Apple Pay sa ikatlong quarter ng taon. Ito ay mabibigay ng mas maraming oras sa mga bangko upang maisaayos ang mga kinakailangan.
Noong Nobyembre 18, 2025 ay inilunsad naman sa Pilipinas ang Google Pay, ang ilang partner na bangko at pinansyal na institusyon ay China Banking Corp., East West Banking Corp., GCash, GoTyme Bank Corp., Maya Bank Inc., Rizal Commercial Banking Corp., Union Bank of the Philippines, Wise Philippines, at Zed Financial PH Inc.
Samantalang ang pinakamalalaking pribadong bangko sa bansa — BDO Unibank Inc., Bank of the Philippine Islands (BPI), Metropolitan Bank & Trust Co. (Metrobank) — ay hindi pa kasama sa Google Pay.
Nilinaw ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) deputy governor Mamerto Tangonan noong Agosto na ang Google Pay at Apple Pay ay itinuring na mga technology service provider, at hindi na kailangang magparehistro bilang mga operator ng payment systems (OPS).




