Isang juvenile female Yellow-headed Water Monitor Lizard na kilala sa tawag na “Halo” ang nailigtas sa Sarangani.
Ang bayawak ay nakita sa isang bahay sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Malapatan at agad itong dinala sa Sarangani Maritime Police Station.
ALSO READ:
5 hinihinalang miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa Lagonoy, Camarines Sur
Bulkang Kanlaon sa Negros, muling nagbuga ng abo
Batang babae, nailigtas mula sa nasawing hostage taker sa Marawi City
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Ang mga tauhan naman ng pulisya ang nagturn-over sa bayawak sa DENR Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa bayan ng Glan.
Ayon sa CENRO Glan ang bayawak ay may habang 33 centimeters at may bigat na isang kilo. Tiniyak munang maayos ang kondisyon nito bago ito pinakawalan sa kaniyang natural habitat sa mangrove area sa Glan Padidu.
