TUMAMA ang magnitude 4.0 na lindol sa lalawigan ng Davao Oriental.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa layong 63 kilometers northeast ng bayan ng Baganga, 6:21 ng umaga ng Martes, Dec. 10.
May lalim na 23 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities bunsod ng nasabing pagyanig.