13 June 2025
Calbayog City
Metro

408,000 pesos na halaga ng shabu, nakumpiska

NAPASAKAMAY ng mga nagpapatrolyang tauhan ng Taguig City Police Substation 4 ang dalawang indibiduwal matapos mahulihan ng ₱408,000 na halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay Sta. Ana sa lungsod.

Kinilala ang mg suspek na sina alyas Ryan Jay, 43-anyos, at alyas Jefferson, 32-anyos.

Nagpapatrolya ang mga pulis sa lugar nang maaktuhan umano ang mga supek sa illegal drug activities sa lugar.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang 60 gramo ng umano’y shabu at dalawang pouch.

Agad itinurn-over ang ebidensiya sa Southern Police District Forensic Unit para sa chemical analysis.

Nakakulong ang mga suspek sa Taguig PNP Custodial Facility at inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Bhelle gamboa)

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.