ISA pang Obiena ang gumagawa ng sarili nitong pangalan sa pole vaulting.
Si Matt David Obiena, isang Digital Arts Senior sa Colegio De San Juan De Letran, ay nananalo kamakailan ng gold medal sa pole vaulting event ng NCAA Season 100 sa New Clark City, matapos ma-clear ang 4.10 meters.
Si Matt ay pinsan ng Olympian na si EJ Obiena na may hawak ng Asian record sa pole vault.
Inamin ni Matt na naimpluwensyahan siya ng kanyang pinsan na si EJ subalit ang main inspiration niya habang lumalaki ay kanyang ama at tiyuhin na nakikita niyang nag-tre-training at sumasabak sa mga torneyo.