KABILANG “Game of Thrones” actor na si Iain Glen sa cast ng upcoming historical biopic na “Quezon,” na magsasalaysay sa buhay ni Dating Pangulong Manuel L. Quezon.
Inanunsyo ng TBA Studios sa pamamagitan ng social media post, na gagampanan ng Scottish actor sa pelikula ang karakter ni Gobernador Heneral Leonard Wood.
Kasabay nito ay ang pag-upload din ng video kung saan ipinakilala si Glen sa cast and crew ng pelikula para sa kanilang script reading na ginanap sa Manila Hotel.
Mahalaga ang naging papel ni Wood na isang US Army Major, sa paghahanap ni Quezon ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Amerika. Noong nakaraang buwan ay inanunsyo ng TBS Studios na magbabalik ang award-winning actor na si Jericho Rosales sa big screen sa pamamagitan ng pagganap bilang Quezon.