“GENERALLY Peaceful” ang naging paggunita ng mga Pilipino ng Undas, kasabay ng pagdagsa ng milyon-milyong Pilipino sa mga sementeryo para dalawin ang puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay at muling makasama ang kanilang mga kaanak sa iba’t ibang probinsya.
Sinabi ni PNP Spokesperson, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, na mapayapa at maayos sa pangkalahatan ang paggunita ng undas ngayong taon sa buong bansa, makaraang walang malalaking untoward incidents na naitala sa nakalipas na long weekend.
ALSO READ:
Grupong BAYAN inihahanda na ang panibagong malawakang protesta- Panukalang bumalik ang bansa sa Rome Statute hindi pa natatalakay ng Palasyo
VP Sara, bilib sa mga dating sundalong nagbunyag ng sabwatan ng ilang mambabatas at ICC investigators
Dating Pangulong Duterte, walang direktang utos ng pagpaslang sa Oplan Tokhang, ayon sa defense lawyer
Tinukoy naman ni Fajardo ang sunog na sumiklab sa Bagbag Cemetery sa Novaliches, Quezon City, at iba pang “minor incidents,” subalit sa pangkalahatan aniya ay hindi naman nakaapekto sa sitwasyon sa bansa.
