1 February 2026
Calbayog City
National

Malaking pag-angat ng 106 TRABAHO Partylist naitala sa WR Numero survey: 13th place na mula 50th

trabaho

Nakapagtala ng malaking pag-angat ang 106 TRABAHO Partylist sa pinakahuling survey ng WR Numero Research para sa 2025 midterm elections. 

Mula ika-50 noong Pebrero, ika-13 na pwesto na ang 106 TRABAHO Partylist ngayong Abril batay sa survey matapos ito tumalon ng 37 na pwesto. 

Makikita rin ang tuloy-tuloy na pagtaas ng ranggo ng 106 TRABAHO Partylist sa iba pang kilalang survey.

Ayon sa Social Weather Stations o SWS, umakyat sa ika-22 pwesto ang 106 TRABAHO Partylist nitong Marso 2025, malaking pagtalon mula sa ika-55 puwesto nito noong Disyembre 2024.

Layong dalhin ng 106 TRABAHO Partylist sa Kongreso ang mahahalagang plataporma nito na magtataguyod ng dignidad ng mga manggagawa sa pamamagitan ng reporma at serbisyo publiko.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).