ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ang US-trained Orthopedic Surgeon na si Dr. Edwin Mercado bilang bagong Presidente at Chief Executive Officer ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).
Nanumpa na rin sa tungkulin si Mercado kay Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang.
Goitia nilinaw ang isyu sa umano’y ₱1.7 Trilyong “Market Wipeout”
2 pang barko ng BFAR, winater cannon ng China Coast Guard malapit sa Pag-asa Island – PCG
DOJ, hindi pa rin kuntento sa impormasyon mula sa mga Discaya kaugnay ng Flood Control Scandal
Kaso ng Influenza-Like Illnesses, mas mababa ngayong taon – DOH
Papalitan ni Mercado si Philhealth President at CEO Emmanuel Ledesma Jr.
Si Mercado ay Vice Chairman ng Mercado General Hospital/Qualimed Health Network simula noong March 2021.
Nagtapos si Mercado ng Doctor of Medicine sa University of the Philippines noong 1987 at Master of Medical Sciences in Global Health Delivery sa Harvard Medical School noong 2023.
Mayroon din siyang hawak na Executive Master’s in Healthcare Administration sa University of North Carolina sa Amerika. (CY)