Tiniyak ni ng Department of Transportation ang dagdag na budget para sa Public Transport Modernization Program o PTMP at Service Contracting Program o SCP sa taong 2026.
Ayon kay DOTr Secretary Giovanni Lopez tugon ito sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing prayoridad ang kapakanan ng mga driver at operator sa pamamagitan ng pagpapatupad ng modernization program.
Finger Heart Sign ni Sarah Discaya, itinuturing ng DOJ na kawalan ng sinseridad
Hearings ng ICI, hindi mapapanood sa livestream – Executive Director
Mahigit 1,300 mga silid-aralan, sinira ng Bagyong Opong at ng Habagat – DepEd
26, napaulat na nasawi bunsod ng mga Bagyong Mirasol, Nando, at Opong, at maging Habagat – NDRRMC
Ayon kay Lopez, hinihiling na ng DOTr sa Kongreso na dagdagan ng 3 billion pesos ang budget para sa SCP.
Patuloy din ang pagsusulong ng DOTr na dagdagan ang 1.2 billion pesos ang budget para sa PTMP upang matulungan pa ang mga driver at operator na nag-consolidate na, at mahikayat ang mga natitira pa na lumahok na rin sa programa.
Samantala, sinabi ni Lopez na inihirit na rin ng DOTr sa Kongreso na pondohan ang Fuel Subsidy Program sa 2026 upang makapagbigay ng tulong sa mga tsuper na maaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng krudo.